Panawagan sa mga pinoy.

Started by Jeerom 2013-03-21 at 20:07
7 replies to this topic
Jeerom
Standard
Posts: 1
Mabuhay po ang lahat ng pinoy na nagbabakasali na kumita sa PTC o alin pa mang puedeng pagkakitaan sa internet. Bago pa lamang po ako dito sa larangan ng PTC at patuloy ko pa rin na kinakapa at kinakabisado ang mga pasikot-sikot sa gawaing ito. Subalit sa mahigit na kahalating buwan na ginugol ko sa mga lugar na ganito marami na akong naranasan na mga pangloloko o pang gagantso. Bagaman at ganito ang karamihan sa kalakaran sa larangan na ito, ay minarapat ko na ipagpatuloy ang paghahanap ng masasabing lehitimo na PTC at sinasaliksik ko rin ang iba pang angulo tungkol dito. Opo ako ay baguhan pa rin sa ganito subalit hindi sa iba pang tinatawag na home base job.
Ang panawagan ko po ay nararapat ang ibayong pag-iingat mapa baguhan man o may kahabaan na ang karanasan. Isa sa napagtanto ko ay hindi basehan ang mga sinasabi at pinapakita na katibayan na pagkatanggap ng kabayaran sapagkat:
1. maraming paraan, at karamihan na rin sa aking natagpuan ang mga account ay madalas naman na sa kanilang alternatibong pag aari lamang.
2. maaaring nababayaran sa una, pangalawa, o maging sa mga sumunod na bayaran subalit ang hindi magarantiyahan ay kung kelan bigla na lang mawawala yuong lugar o bigla na lang titigil sa pagbabayad at itatakbo na ang inyong pinaghirapan.
Para sa pag-iingat ipinapayo ko na huwag agad-agad susubo sa pag gastos sa pagtaas ng antas ng pagiging kasapi, o sa paglalagak ng halaga sa pag-aakalang kikita kaagad ng malaki. Palagi po nating tandaan laging nasa huli ang pag sisisi at meron nga tayo kasabihan na "naghangad ng kagitna isang salop ang nawala".
Marami pa po tayong dapat isaisip bago pumasok sa isang maaaring patibong lamang kung kaya inuulit ko ang ibayong pag-iingat.
Ang hangad ko po sana ay makapagbigay ng kaunting gabay upang makaiwas sa maraming panloloko sa larangan ito.
Kung magkakaisa lang sana tayong mga pinoy na magtulungan sa lahat ng bagay ay mas marami tayong magagawang bagay at mas makakaiwas sa iba pang kapahamakan. Mas mabuti sana kung lahat tayo ay magkakakontakan, magkakausap at magkakilala rin sa personal upang sa ganitong larangan tayo mismo ay makakapagbigay suporta sa bawat isa sa atin.
Nais ko rin na ilagay sa blog ang ganitong panawagan.
Maraming salamat po at pagpalain po tayong lahat ng maykapal. Kung meron man nagnanais na kumontak sa akin, huwag po kayong mahihiya o mag aatubiling lumiham sa akin dito. Marami pa po na puede ninyong subukan kung hanapbuhay ang kailangan.

Kuya Jee or Jeerom:
[email protected]
jachatters.chatango.com (bago lang po ito)
alegarbesian
Standard
Posts: 2
salamat bro sa panawagan mo.... anyway sa mga pinoy na successful sa site na ito, share nyo lang po ang inyong experience...
redfox1919
Standard
Posts: 4
try nyo to na sites, wag lang isa o dalawa, kung pwede maramihan....tol paki click lang ang mga link sa below kung interesado po kayo...salamat po.

Trusted reliable paying sites...view for yourselves just click the link below.

www.cashtravel.info

www.excellentbux.net

www.incentria.com

www.clicksia.com

www.ayuwage.com

www.buxfor.me

www.clixsense.com

www.jillsclickcorner.com
Planet01
Standard
Posts: 16
pwede pa lang mag promote dito sa loob ng forum? pero bat tahimik na ang mga Pinoy rito?
pernikahan
Standard
Banned
Posts: 247
This user has been banned because of violating the Terms Of Service. All his posts have been deleted.
GPTPlanet.com Team.
jasa dekorasi wedding dekorasi pernikahan modern [url=http://www.dimensiartdecoration.com]jasa dekorasi we
iwakpeyek
Standard
Banned
Posts: 94
This user has been banned because of violating the Terms Of Service. All his posts have been deleted.
GPTPlanet.com Team.
satishnarse
Standard
Banned
Posts: 23
This user has been banned because of violating the Terms Of Service. All his posts have been deleted.
GPTPlanet.com Team.
Topa1982
Standard
Banned
Posts: 62
This user has been banned because of violating the Terms Of Service. All his posts have been deleted.
GPTPlanet.com Team.
http://www.adzbazar.com/personal_banner1.php?id=384613